Para sa’yo

Alas dos na ng hapon pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Buong araw na akong naka harap sa laptop ko pero hindi ko pa rin nararamdaman ang hapdi ng mata na pu pwersa sa aking pumikit at magpa hinga. Ilang videos na rin ang napanuod ko, madami ng websites ang nabasa at halos wala din akong napa lagpas na notification sa aking  facebook account, pero wala pa rin. Mas malakas talaga ang hatak ng ala-ala nya sa aking isipan at nang kung anu mang iniisip kong pwede pa sanang balikan.

Nasa isip ko pa rin sya ngayon. Nasa isip na lang. Yan at marami pang pangungumbinsi ang madalas kung sabihin sa aking sarili.

Kung anu-ano naman talaga ang ginagawa natin para makalimot diba? Normal lang ang pagdaanan ang pangungulila at paghahanap. Ang makaramdam ng pag-iisa. Kasama din sa proseso ang sumubok na makipag usap at subukang ayusin pa ang lahat. Ang makinig sa mga love songs at iugnay lahat ng status sa facebook sa kung ano mang pinagdadaanan at nararamdaman. O di naman kaya, magpadala ng GM sa lahat ng numero sa telepono na ang tema at patama ay sa taong nanakit o nang-iwan. Pagurin ang sarili sa kung anu anong gawain pang pisikal, emosyonal at espirituwal. Isama pa ang pag gawa ng blog at hindi pagtulog.

Kaawa-awa ba? Hindi naman siguro. Kasama sa pagiging tao ang magdamdam. Kani-kaniya lang tayo ng paraan kung paano ito panghahawakan. Ang importante, sa huli’y makakaya nating panindigan kung anu man ang paraan na ating maisipan. Katangahan man sa ilan ang manlumo at manghinayang pero aminin man nila o hindi, lahat tayo’y dumaan, dumadaan at pagdadaanan ang yugto na yan ng buhay.

Hindi ako nagsasalita para sa lahat. Hindi ako nagmamarunong. Marami akong hindi alam at maraming hindi naiintindihan. Mababaw nga siguro para sa ilan ang konteksto o paksa ng sinulat kung ito, pero, iyon kase ako. Ito ang kasalukuyang laman ng aking diwa. Ang isiping bumabagabag sa aking gunita.
Ito ang aking paraan. Ganito ako ma-tanga.

At kahit anu pa man, naniniwala pa rin ako sa kasabihang “walang sugat ang hindi napaghihilom ng panahon”. Sa ngayon, kailangan lang damhin ang sakit. Darating din sa puntong mamanhid ang puso at mapapagod ang isipan at sa oras na yun, kusa na lang susunod ang katawan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s